Akala ko madali lang… hanggang sa nagka-quiz.
Bago pa man ako pumasok ng college, confident ako. Sabi ko, “Kakayanin ko ‘to! Mahilig naman ako sa math, organized naman ako, at sabi nila, basta masipag ka, pasado ka na.” Sa isip ko, magiging smooth sailing ang lahat.
Pero noong dumating na ang first sem… boom — reality check. Hindi pala sapat ang confidence. Kasi sa Accountancy, hindi lang utak ang laban, pati puso, tiyaga, at resilience. Kaya ngayon, gusto kong ibahagi sa inyo ang ilang Expectation vs. Reality Moments ko bilang BSA freshman — para kahit papano, mapaghandaan mo rin ang sarili mong journey.
Expectation:
“Madali lang ‘to, numbers lang
‘yan!”
Reality:
Akala ko simple computations lang. Plus, minus, tapos. Pero ibang klase pala. Imbes na solving agad, may conceptual understanding, theories, at rules na kailangan mong kabisaduhin. May times na isang buong quiz, walang computation — puro explanation and analysis. At yung mga terms? “Accrual,” “Matching principle,” “Asset vs. Expense.” Sa una, parang foreign language lahat. At oo, may calculator ka, pero kung mali ang pagkaintindi mo sa tanong — goodbye score ka pa rin.
Expectation:
“Flexible schedule, chill lang
siguro.”
Reality:
“College = freedom” daw sabi nila. Pero bakit parang mas pagod pa ako ngayon? Naka-block section kami, kaya sunod-sunod ang classes. May 7 AM class, tapos may 3-hour break, then may 5 PM class? Hindi mo alam kung uuwi ka ba muna o maghihintay sa hallway. Tapos sa sobrang dami ng subjects, halos every week may quiz, seatwork, at deadline. Chill? Hindi ko na nga alam kung saan pumapasok ang tulog.
It’s true you have more freedom in college — pero kasama ng freedom, dumoble rin ang responsibility. You’ll learn to balance pagod and priorities, kahit minsan parang wala ka nang oras para huminga. Still, you’ll find your rhythm along the way.
Expectation:
“Pag college, independent na. Mas
madali na ‘to.”
Reality:
Yes, independent ka nga — pero ibig sabihin nun, ikaw lahat. Ikaw ang mag-aasikaso ng requirements, ikaw ang magre-review, ikaw ang magpapaalala sa sarili mong may deadline ka. Walang adviser na magre-remind sayo. At kahit nahihirapan ka, minsan ikaw na lang ang kausap mo. May days na magtataka ka: “Normal ba ‘to?” Kasi pagod ka na, pero ang dami pang gagawin. Doon ko natutunan na asking for help is not weakness — minsan, survival na talaga siya.
Being independent sounds empowering, but it also means facing things on your own. Kapag napagod ka, you’ll realize how important it is to ask for help and take breaks. Hindi mo kailangang buhatin lahat mag-isa — may mga taong handang tumulong, kung magpapakita ka lang ng sign.
Accountancy isn’t easy, and that’s the truth. Pero hindi rin siya imposible. Marami kang pagdadaanan — sleepless nights, confusing topics, mental breakdowns — pero marami ka ring matututunan, hindi lang sa academics, kundi sa sarili mo. At ang pinakaimportante? Hindi ka nag-iisa. Maraming freshmen ang nalilito, napapagod, pero hindi sumusuko. Isang quiz, isang iyak, at isang tawa sa hallway lang ang pagitan ng confusion at confidence.
At balang araw, masasabi mo rin sa sarili mo: “Buti na lang, hindi ako sumuko.”
Tips para sa BSA Freshies:
- Accept mo agad na mahirap siya. Mas madali mag-adjust kapag realistic ang expectations mo from the start. Hindi ito para takutin ka, kundi para maihanda ka.
- Be consistent. Kahit paunti-unti ang progress mo, malaking bagay ‘yan. ‘Wag mo iasa lahat sa cramming—Accountancy rewards steady effort.
- Build your support system. Find people na pwede mong sabayang tumawa, umiyak, at mag-review. Hindi mo kailangang mag-isa sa laban na ‘to.
Final Note:
Accountancy isn’t easy, but it's not impossible. Kung kaya ng mga upperclassmen, kaya mo rin. And soon, you’ll look back and say — “Buti na lang hindi ako sumuko.”
From confusion to confidence — one freshie moment at a time!
This blog just made my first-year fears feel valid.
ReplyDelete