Akala ko prepared na ako—pero unang quiz pa lang, napa-‘bakit ganito?’ na ako.
Alam niyo ‘yung pakiramdam na akala mo ready ka na sa college life kasi “honor student ka nung SHS”? Oo, ganyan din ako. Pero nung pumasok ako sa Accountancy, ayun—natauhan talaga bigla. Akala ko same-same lang, pero ‘di pala. Eto ang ilan sa mga adjustments ko mula SHS to college bilang isang accountancy student:
1. Maintaining Grades
Sa SHS? Kahit minsan 85 ka lang, go lang. Basta pasado, ok na ‘yan. Pero sa college, lalo na sa accountancy, hala ka pri—hindi ka pwedeng bumaba ng 2.25! Kasi pag bumagsak ka, hindi lang basta bagsak ‘yan, hello Qualifying Exam (QE) ka na agad. At ‘pag QE na ang usapan, kabahan ka na talaga n‘yan.
Kaya ngayon, bawat quiz, bawat recitation, bawat seatwork—pinag-iisipan ko na para ‘di ko na need mag take n’yan.
2. Cramming
Noong SHS, cramming? Syemperd! Gawa ng project gabi bago ipasa? Syemperd! Basa ng lesson habang papasok sa school? Syemperd! Pero ngayon sa college, lalo na sa accounting subjects? HUWAG. NA. HUWAG. TALAGA.
Seryoso, accounting is uncrammable kung may ganung term man. ‘Pag nag-cram ka ng isang buong chapter na puno ng mga theories/concepts, tapos may computation pa? Ewan ko nalang talaga kung ‘di ka malito. Kaya ako ngayon, kahit ayaw ko pa, napipilitan na akong mag-aral in advance. Kasi kapag hindi, ayun, bagsak na naman sa quiz.
3. Exam Type
Noong SHS, karamihan ng exams? Multiple choice. Kung hindi mo alam sagot, may 25% chance ka pa rin na tama. Pero sa college? Walang MCQ-MCQ dito! Lalo na sa accounting. Sige nga, hulaan mo kung magkano ang TGAS kung puro computation lahat?
Ngayon, ang exams namin sobrang hands-on. Lahat ng mali mong sagot may effect sa susunod na number—lalo na sa mga computations, kaya kung mali ka sa unang step, domino effect na. Tapos pag tiningnan mo score mo, “bakit ganito?” Ayun, unang step palang mali na pala.
4. Time Management
Noong SHS, pa chill-chill lang. May oras ako manood ng Movies/Anime/K-drama, mag-ML, at matulog ng maayos. Pero ngayong college? Ano ‘yun??? An’yare???
Ngayon, may schedule na ako—o kung wala, may plano na ako sa utak kung ano-anong mga need kong gawin. Kailangan may schedule ako for readings, reviewers, watching accounting videos, tapos mag-aaral pa ako for recits at quizzes. Hindi mo na pwede i-asa sa “bahala na si Batman.” Baka mapikon na si Batman sa’yo n’yan, kasi kung hindi mo i-manage yung oras mo, wala ka talagang oras. Sobrang bilis ng pace ng college, lalo na sa BSA program. Kaya gamit na gamit talaga sa’kin alarms at calendar.
5. Vacant Time
Noong SHS, wala talagang vacant. Kung meron man, break time lang or lunch, tapos sunod-sunod na ulit klase. Pero sa college? Welcome sa mundo na may vacant na umaabot ng 3 to 4 hours! (lala)
At first, sobrang saya ko. Akala ko ang dami kong time to rest or mag-ML. Pero nung tumagal, narealize ko—nakakapagod din pala na wala kang ginagawa. Minsan wala kang makain, wala kang maupuan, at walang matambayan. Pero minsan din, blessing siya. Kasi doon ako nakakapag-review ng notes, gumagawa ng assignments, o nagpapahinga ng konti bago bumalik sa klase. Basta ngayon, natutunan ko na kapag vacant, dapat pinaglalaanan ko nalang ng oras ‘yung mga need ko talagang gawin.
Although, nakakaloka at mahirap man mag-adjust from SHS to College, normal lang na makaramdam ng pressure, confusion, at kahit kaunting culture shock. College introduces a new level of independence and responsibility, kaya hindi rin dapat i-pressure ang sarili na maging perfect agad. Ang mahalaga, matutong mag-adapt, humingi ng tulong kung kailangan, at huwag kalimutang magpahinga. Sa bawat adjustment, dapat may kasamang growth.
Tips para sa mga BSA Freshies:
• Gumawa ng sariling study routine
Hindi na gaya ng SHS na may fixed schedule halos lahat. Sa college, ikaw na mismo ang mag-aadjust sa oras mo. Kaya mas okay kung may sarili kang routine—kahit simpleng “1 hour review every night” or “every vacant, magbabasa ng konti.” Basta consistent.
• Unahin ang mahirap bago ang madali
Kung may assignment kang sobrang hirap, ‘yun ang unahin mo. Huwag mo nang antayin pang day of the deadline ka pa mag gagawa. Mas madali mag-relax kapag tapos na ang mahirap kaysa gagawin mo pa ‘to sa dulo.
• Matutong tumanggi kung kailangan
Hindi mo kailangang “oo” sa lahat—gala, inuman, kahit simpleng aya sa paglalaro. Okay lang tumanggi kung alam mong mapapagod ka o may kailangan kang unahin. Mas mahalaga pa rin ang mental health at academics.
Final Note:
Ang daming kailangang pagdaanan, at oo—nakaka-drain minsan. Pero laging pakakatandaan, ‘di mo kailangan maging perfect agad. One step at a time lang. Lahat tayo dumadaan sa adjustments, and that’s totally okay.
From Confusion to Confidence - one freshie moment at a time.
Love the honesty here. Keep writing!
ReplyDelete