Akala ko madali lang… hanggang sa nagka-quiz, nagka-deadline, at nagka-prof na kala mo laging galit.
Pagpasok ko sa college, especially sa Accountancy program, ang dami kong expectations sa mga professors. Akala ko sobrang terror, walang pake, at puro lecture lang ang mga teachers. Pero habang tumatagal, ang dami ko palang discoveries – both good and bad – na hindi ko in-expect.
1. Hindi Lahat Terror – Minsan Mas Chill pa kaysa SHS Teachers Back then, I thought the professors were scary — ‘yung tipo na hindi mo malapitan. But eventually, I realized that most of them are approachable and even funny! May professor nga na akala mo laging galit dahil monotone magsalita, pero nung nakausap ko nang mas personal, sobrang bait pala. Concerned pa nga sa students na nahihirapan sa subject.
2. They Don't Spoon-feed You – Pero Tutulong Kung Talagang Gusto Mong Matuto Sa SHS, sanay kami na may laging guide, reminders, at pa-check ng output kada step. Pero sa college, especially sa Accountancy na kailangan ng disiplina sa oras, halos lahat self-initiative. Still, kapag nakita ng prof na you're putting in effort, tutulungan ka talaga. May ilan pa ngang nagbibigay ng extra reviewers o nagba-break para mas mapaliwanag nang maayos ang concept.
College teaches you how to stand on your own, pero hindi ibig sabihin na mag-isa ka. When profs see that you're trying, they’ll meet you halfway — you just have to show them you're willing to learn.
3. May Prof na Puro Chika – Minsan Nakakatawa, Minsan Nakakainis Hindi mawawala ‘yung klase na feeling mo talk show kaysa lecture. May mga araw na okay lang — chill lang, may kuwentuhan, tatawa ka rin. Pero minsan, ang dami mong inaabangang matutunan, tapos kwento lang pala ng buhay nila ang buong period. Nakakatuwa rin naman in moderation, pero sana balance din.
4. May Soft Side Din Sila – Especially Pag Alam Nilang Struggling Ka
• Matutong Mag-Adjust sa Teaching Style ng Prof. Iba-iba ang approach ng bawat isa — may mabilis magsalita, may sobrang detailed. Aralin kung paano ka makakasabay.
• Huwag Matakot Magtanong o Lumapit. Hindi porket college ka na, kailangan alam mo na lahat. Asking questions means you want to learn.
• I-manage ang Time Mo ng Maayos. Hindi lahat ng prof magre-remind. Sa BSA, sabay-sabay ang quizzes, deadlines, at outputs. Gumamit ng planner o app para hindi ka malito.
Final Note:
Kaya sa mga incoming BSA students: be open. Expect the unexpected. And most of all, wag matakot lumapit sa profs – they were students once too.
Real talk! Glad someone finally said it.
ReplyDelete