"Ayoko talagang mag-aral... pero gusto ko pa ring pumasa at ayaw ko naman na bumagsak.” Madalas na linyahan to ng nakararami sa atin.
Kung may quote na magde-describe sa academic journey ko, ito ‘yon. Lalo na nung pumasok ako ng kolehiyo, madalas walang tulog papasok dahil sa sandamak-mak na school works sabay sabay na exam. Hay nakooo………….
Hindi ako masipag. Hindi ako consistent. Hindi ako honor student. Pero gaya ng karamihan sa atin, napilitan akong humanap ng paraan para hindi ma-zero (pero na zero parin sa major), hindi mapagalitan, at higit sa lahat, hindi mapahiya sa sarili ko. Noong una, inisip ko,baka hindi lang talaga ako para sa school (mag-asawa na lang kaya ako ng mayaman). Pero na-realize ko rin na minsan, hindi naman talino o sipag ang kulang. Diskarte lang talaga. So, sinimulan ko obserbahan sarili ko,Ano ba talaga ang gumagana sa akin? Kailangan magkaroon ako lagi ng drive para magpatuloy. At dito na nagsimula ang journey ko hindi para maging top 1 o maging dean list, kundi para lang makalagpas, unti-unti, nang hindi nawawala sa sarili.
Eto ang mga study habits na di ko akalaing gagana, pero naging tulay ko para makalagpas sa maraming semester.
1. “Bawal sa Kama” Rule
Kwentong totoo:
Noong una, ang saya mag-aral habang naka-higa. Notebook sa tiyan, ballpen sa kamay, tas habang nagbabasa... ayun, tulog na pala ako.Di na natin to naiiwasan dahil na rin sa sobrang pagod sa eskwelahan.
So, I created my first rule:Huwag mag-aral sa kama. Ever.Kahit san wag lang sa kama. Kahit sa sahig pa ‘ko magreview basta hindi sa kama. Ginawan ko ng mini-study area sa isang sulok ng bahay isang plastic table at upuan lang, pero may sariling mundo. At kahit hindi kasing comfortable ng kama, dun ako naging mas productive.
2. Rewards System: O, dahil nag-aral ka, sige scroll ka na.
Simple lang ako. Hindi ako nangangarap ng sobrang laking reward.Pero kapag nasunod ko ang mini-study goal ko, binibigyan ko ang sarili ko ng reward kasi deserve ko naman to nagpakahirap ako eh.
- 30 mins study = 10 minutes TikTok
- 1 chapter done = chocolate bar at sandamakmak na mani pampatalino daw kasi eh HAHAHAHAH
- Reviewer finished = isang episode ng K-drama/ isang item online(shopee)
Reward doesn’t have to be big. Ang importante, may aabangan ka. At dahil dito, mas madali magsabi ng: “Sige, tapusin ko na ‘to para makapag-break na ako.”
3. Calm Music + Tahimik + Timpladong Setup = Focus Mode
Sobrang distracted ako sa bahay. May nagvivideoke, may nagluluto, may pamangkin na naglalaro. Pero natuklasan ko ang power ng music not just any music, but calm, mellow and yung mga instrumental.
Every time na naririnig ko ‘yung mellow beats , parang napapasa ilalim ako ng spell. ‘Yung tipong kahit 20 minutes lang, tahimik ang mundo ko. Nakakatulong lalo kung may kape o milktea akong katabi. Parang may mini café setup ako sa kwarto.
4. Notes na parang kwento
Hindi ako fan ng makapal at seryosong notes. Feeling ko kasi lalo lang akong nalulunod. Kaya ang ginagawa ko, sinusulat ko ang lessons sa paraang naiintindihan ko.
From textbook:
“The water cycle is a continuous process involving evaporation, condensation, and precipitation.”
Sa notes ko:
“Tubig → umaakyat (evaporate), nagiging ulap (condense), babagsak bilang ulan (precipitation). Ulit-ulit lang. Parang hugot cycle.”
5. Review Buddy System (Pero May Rules)
Okay din mag-aral mag-isa, pero minsan mas effective kapag may kasama kang review buddy. Para makapagtanong-tanong minsan kasi may nalilimutan tayo. Pero hindi lahat ng group study productive, lalo na kung chika time lang. So, gumawa kami ng “30/10 Rule” or basta ilang min. To study and then chika
- 30 minutes silent study
- 10 minutes chika, tanungan, kwentuhan
- Repeat cycle
May oras pa rin magkamustahan, pero may direction. Mas gumagaan para sakin pag may kasama akong magreview.
Hindi mo kailangang maging “perfect student” para mag-survive sa school. Minsan, sapat na ‘yung hindi ka sumuko kahit tinatamad ka, ‘yung pinipilit mong bumangon kahit gusto mo na lang matulog buong araw. Hindi ikaw ang kahinaan mo. Ikaw ‘yung paraan kung paano ka babangon mula roon.
Tips para sa mga BSA Freshies:
- Okay lang mapagod. Okay lang mainis. Pero wag mong hayaang huminto ka doon. Break lang, hindi quit.
- Study habits are not one-size-fits-all. Hanapin mo kung ano ang gumagana sa’yo kahit pa weird, kahit pa simpleng simpleng sistema lang. Basta gumagana, panalo.
- Don’t wait for motivation. Minsan, action muna bago motivation. Simulan mo lang kahit tamad ka kasi minsan, sa gitna ng ginagawa mo, doon ka lang gugustuhing magpatuloy.
Final Note:
Ang mahalaga: may ginagawa ka. Kahit kaunti, kahit parang walang epekto sa una—‘yan ang magbubunga balang araw. Lahat tayo may kanya-kanyang pace, diskarte, at struggle.
From Confidence to Confusion - one freshie moment at a time!
Funny but super helpful too, love it!
ReplyDelete